Engineer Maldita

  1. Summer is Officially Over

    Summer? Patapos na at ilang araw na lang eh june na. Pasukan na naman. Tag-ulan na naman.

    Eh anu bang ginawa ko nung summer? Hmmmn, marami!!! at mamimiss ko lahat yun!

    UNA, hindi ako nagbakasyon, bagkus, nag-aral ako :P Masipag eh, bakit ba?! haha… Kelangan kasing mag-summer class eh. Buti na lang pasado lahat ang mga grades kung hindi, edi patay! hahaha. Thank God! :D

    PANGALAWA, konting gala with friends. Nanood sa sinehan… Pumunta sa beach… Naki-fiesta kung saan-saan… Pampatanggal lang ng stress. Nakakapagod din kasi minsan ang aral ng aral. (Parang nag-aaral naman ng mabuti.)

    PANGATLO, nag-jog… nag-bike… nag-aerobics… hahaha! Nagpapapayat kasi pero hindi naman ako pumayat. Sabi nga ni mama, “anak,kung mataba ka, edi mataba ka talaga.” Natawa na lang ako. Sabagay, baka hindi pa ito ang oras para maging payat (positive thinker lang :P hahaha!)

    PANG-APAT, food trip… over night… movie marathon… nagfe-facebook, twitter, tumblr, at youtube… pag walang pasok, nagiging tamad lalo na pag kasama ko si Lee! hahaha. (Sinisi na naman sa ibang tao ang katamaran eh :P )

    PANGLIMA, kwentuhan with lola, mom, dad, besties, and brothers. Nakakatuwa silang magbigay ng payo kahit na yung iba eh kalokohan lang. Hindi rin mawawala ang gala moments namin ng mga pogi kong ading.

    at ang pinakagusto ko sa lahat… uhmmn, ang pagkakaroon ko ng SUPER FRIEND. Kulang na lang maging alalay ko siya, lagi niya kasi akong sinasamahan sa kahit na anong lakad… Taga-buhat ng mga mabibigat na dala… Ang nakakapagpasaya sa akin ‘pag bagsak ang mga nakukuha sa quizzes… At ang parati kong kasama sa mga kalokohan ko… Sana hindi ka magbago kahit na minsan eh inaabuso  ko ang kabaitan mo. Masaya ako, soooooooooobra! :D

    Masasabi kong, “The best ang summer 2012!” Ang daming positibong nangyari sa buhay ko. Samalat sa mga naging parte ng masayang summer trip ko… And yes, “summer is officially over!” :D



  2.    

  3. (Source: ilivemylifeinblackandwhite)

  4.    3 notes

  5. smilelikedomoxd:

Having guy best friends: No drama. No betrayal. No jealousy.
But there is a chance that you might fall inlove with each other.

    smilelikedomoxd:

    Having guy best friends: No drama. No betrayal. No jealousy.

    But there is a chance that you might fall inlove with each other.

    (Source: smilelikedomoXD)

  6.    102 notes

  7. (Source: music-is-my-life8, via soadramaqueen)

  8.    104,861 notes

  9. Masaya ako kahit single ako. Bakit? kasi alam ko na sa bilyong-bilyong tao sa mundo may isa na hindi rin masaya dahil wala pa ako sa buhay niya.




  10.    4 notes

  11. Caught in the act!

    Caught in the act!

  12.    

  13. It is better to be slapped by the truth than to kissed by a lie :(



  14.    3 notes

  15. This video is dedicated to my super friend.

    “Sayo lang ako sumasaya, kahit hindi tayong dal’wa.”

  16.    

  17. I don’t care if you sing it correctly or not :)

  18.    

  19. Ako? Isang Hamak na Best friend Lang!

    May matalik akong kaibigan. Super friends nga kami eh, yun nga lang napagkakamalang kami dahil sa closeness namin.

    Kahapon, may event kaming pinuntahan. Uhmmn, seminar about sa “waste water treatment”. Masaya pa kaming pumunta, then suddnely, dumating ang dati niyang nililigawan. Nung una, wala lang, dedma. Nung nasa loob na kami ng hall, hindi kami nagtabi. Tapos biglang tumabi ang dati niyang nililigawan. Ang sama ng pakiramdam ko,hindi ko ma-express yung feeling na inis, tampo at selos. Basta, magulo. Naiinis ako sa sarili ko kasi wala ako sa lugar paramagselos. Alam kong wala akong karapatan, pero hindi ko lang mapigilan. Natatakot ako na baka mawala siya sa akin. Tahimik lang ako sa kinauupuan ako. Nagpipigil sa nararamdaman.

    Hanggang sa natapos ang seminar, tahimik pa rin ako. Hindi ko pinapansin si best friend. Lalo na naman akong nagtampo nang gusto niyang sumama sa food expo, pupunta kasi yung dati niyang nililigawan dun. Sumunod lang ako.

    Hindi ko alam kung napansin niyang nagtatampo ako. Kailangan kong pigilan ang sarili ko kasi baka pag minahal ko siya, mawawalan ako ng best friend. Masakit makita na mapalit ulit si best friend sa dati niyang nililigawan :’(

    Pero wala akong magagawa kundi tanggapin kung ano man ang andyan, kasi Isa lamang akong hamak na best friend.




  20.    1 note